Pagiging Maluwag sa mga Checkpoint sa Isabela, Pinuna sa isinagawang Emergency Meeting

Cauayan City, Isabela-Nagsagawa ng emergency meeting ang Isabela Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa ilang ahensya na nagmamando sa border checkpoint sa bayan ng Cordon hinggil sa ilang usapin may kaugnayan sa maluwag umanong pagpapapasok ng mga taong lulan ng pribadong sasakyan.

Batay sa pahayag ng IPIATF, ilan kasing obserbasyon dito ay ang umano’y hindi pagflag-down sa ilang mga sasakyan ng mga nakatalaga sa checkpoint dahil sa sinasabing escorted o may kasamang ‘men uniform’ kaya’t agad pinulong ang usaping ito.

Pinangunahan ang nasabing pulong nina Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III sa pamumuno ni Atty. Noel Manuel R. Lopez Provincial Administrator at ilang aktibong miyembro ng task force.


Inaasahan namang maglalabas ng resolusyon ang taskforce na direktang aatasan ang mga ahensya na higpitan ang pagbabantay sa lahat ng mga darating sa probinsya, siyudad, at mga bayan maging sa mga barangay border checkpoint.

Lahat ng sasakyan, pagkakakilanlan ng drayber at pasahero ay kailangan mailista, maging ang kanilang travel documents ay kailangang masuri, kung kinakailangan na isailalim din sa assessment sa quarantine facility.

Kinakailangan din na ipaalam ng mas maaga ng border checkpoint ang pagdating ng mga tao sa municipalities border checkpoint maging sa mga hepe ng pulisya.

*‘Walang dapat palulusutin kahit na ang nagdadala or nag-eescort ay mga pulis, or other uniformed men. That all travels should pass through border checkpoints’- IATF.*

Napagkasunduan din ang pag-iisyu ng memorandum ng tanggapan ng PNP Isabela sa lahat ng mga COPs kung saan kailangan asistehan ang BHERTS sa monitoring arrivals.

Magpapalabas din ng hiwalay na kautusan ang DILG para ihanda ang lahat ng BHERTS sa mga barangay at maging mapagbantay sa kanilang trabaho at ang pagbibigay impormasyon sa kanilang mga MHO ang ilang kahina-hinalang dating ng mga tao at higit sa lahat ang pagsasailalim sa 14-days quarantine sa mga bagong dating mula sa labas ng probinsya.

Facebook Comments