Inaasahan ng pamahalaan na mas lalala pa sa mga darating na panahon ang pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang naging threat assessment ni National Intelligence Coordinating Agency Director General Ricardo de Leon sa National Security Cluster Communications Workshop 2024 na ginanap dito sa Philippine Merchant Maritime Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.
Ani De Leon, inaasahang patuloy na guguluhin ng China ang mga susunod na rotation & resupply missions sa WPS.
Nagbago na rin aniya ang taktika ng China na mula dating simpleng panghaharang sa pinag-aagawang lugar sa WPS na ngayon ay gumagamit na ng water cannon, laser, ramming tactics, at iba pang mapanganib na aksyon.
Facebook Comments