Pagiging opsyonal sa pagsusuot ng facemask, nakadepende sa healthcare utilization rate ayon sa Infectious Disease Expert

Dapat na mahigpit munang i-monitor ang healthcare utilization rate sa bansa bago magdesisyon kung dapat nang gawing opsyonal ang pagsusuot ng facemask kaugnay sa pananatili na COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na kung mataas ang healthcare utilization rate maaari aniyang ipatupad ang opsyonal na pagsusuot ng facemask.

Pero dapat aniya itong gawin muna sa outdoor lamang at hindi pa maaaring gawin sa indoor.


Kung patuloy naman aniya ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate ay hindi dapat ipatupad ang opsyonal na pagsusuot ng facemask.

Giit ni Dr. Solante na mahalaga sa ngayon ay tumaas ang bilang ng mga nagpapa-booster shot dahil darating aniya ang panahon na hihina na ang epekto ng mga bakuha laban sa COVID-19.

Kaya panawagan ni Dr. Solante sa mga wala pang booster shot na kumuha na nito.

Facebook Comments