Binanatan ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagkakahalal nito sa pwesto noong 2016 bilang pangulo ng bansa.
Pagbubunyag ni Del Rosario, mayroong impluwensiya ang China sa 2016 Philippine elections para masigurong makakaupo si Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas.
Habang batay din sa ulat na natanggap nila noong February 22, 2019 mula sa isang mapagkakatiwalaang mataas na opisyal mula sa China, malaki ang ginampanan ng China upang maluklok si Pangulong Duterte sa pwesto.
Sa ngayon, dagdag pa ni del Rosario nagiging kapansin-pansin na pilit na pinapatibay ni Pangulong Duterte ang “closer ties” sa China kapalit ng tulong at investments kasabay ng madalas na pagpuna sa mga polisiya ng US at pagkastigo sa mga kritisismo ng Estados Unidos sa anti-drugs crackdown ng pamahalaan.