Manila, Philippines – Hindi sang-ayon si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaking kabiguan ang Build Build Build Program ng administrasyon.
Lumabas kasi sa budget deliberation ng Senado na halos dalawang porsyento o siyam pa lang sa 75 flagship project sa ilalim ng Build, Build, Build Program ang sinimulan na ang konstruksyon.
Pero diin ni Angara, umaabot naman sa 5 percent ang infrastructure spending ng gobyerno at nakaambag na ito sa pagpapasigla ng ekonomiya.
Suportado din ni Angara na ginawa ng National Economic Development Authority o NEDA na 100 na mga doable o madali at kayang tapusin ang kasalukuyang 75 na mga malalaking proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.
Facebook Comments