Humingi ng pang-unawa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa lahat ng air passengers.
Ito ay kasunod ng nararanasang flight delays bunsod ng nagpapatuloy na konstruksyon ng taxiways sa NAIA.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Aviation Manuel Antonio Tamayo – ang mga pasahero sa NAIA ay makararanas ng pagkaantala ng flights at maunawaan sana ito.
Sinabi naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal – ang konstruksyon at pag-a-aspalto ng taxiway ay malapit nang matapos makaraan ang tatlong taong paghihintay.
Bilang bahagi ng ‘Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019’, ang aviation sector ng DOTr ay patuloy na nagbabantay sa mga pinakaabalang paliparan sa bansa para matiyak ang operasyon, maging ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.
Ang ‘Oplan Biyaheng Ayos’ ay epektibo mula noong April 8 hanggang April 25.