Pagkaantala ng pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa, isinisi sa maling pag-handle Public Attorney’s Office sa Dengvaxia controversy

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang maling pag-handle ng Public Attorney’s Office o PAO sa isyu ng Dengvaxia ay nakadagdag sa dahilan ng pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccine.

Naniniwala si Drilon na kaya humihiling ang manufacturer ng COVID-19 vaccine sa ating pamahalaan ng Indemnity Law ay upang huwag silang matulad sa sinapit ng gumawa sa Dengvaxia vaccine na pinapanagot sa naging adverse effects ng bakuna.

Tinukoy ni Drilon ang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez na humingi ang pharmaceutical companies ng indemnity agreement makaraang mabalitaan na inisyuhan na ng warrants of arrest ang mga opisyal ng Sanofi dahil sa Dengvaxia controversy.


Dahil dito ay binanggit ni Drilon na sa ginawa nilang Vacciantion Program Law ay naglagay sila ng probisyon na nagbibigay immunity sa mga health workers na magsasagawa ng pagbabakuna maliban kung sasadyain ng mga ito ang pagkakamali.

Paliwanag ni Drilon, ito ay para hindi maulit ang nangyari sa mga kawawang health workers na nahihirapan ngayon sa pagbabayad ng sariling abogado makaraang idamay sila ni PAO Chief Atty. Percida Acosta sa Dengvaxia case.

Gayunpaman, hindi naman isinasantabi ni Drilon na may pagkukulang din talaga sa estratehiya ng gobyerno sa COVID-19 vaccination kaya napag-iiwanan ang Pilipinas ng ibang mga bansa na nagsasagawa na ng pagbabakuna.

Facebook Comments