Pagkaantala sa pagpasa ng panukalang DoFil, isinisi ng isang senador sa ilang ahensya

Sinisisi ni Senator Imee Marcos na ilang ahensya ang nagpapatagal sa pag-apruba ng Senado sa panukalang pagtatag ng Department of Overseas Filipinos o DoFil.

Tinukoy niya ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Marcos, ayaw bitiwan ng nabanggit na mga departamento ang attached agencies para ilipat sa ilalim ng DoFil na siyang tutugon sa mga hinaing ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).


Ang attached agencies umano ay mainam na i-consolidate o pagsamahin para matapyas ang pare-parehong opisina at posisyon, mabawasan ang gastos ng gobyerno, at mapadali ang kailangan lakarin ng mga OFWs.

Binigyang diin pa niya na tugon ito sa panawagan ng mga OFWs na magkaroon ng isang one-stop shop, hindi isang merry-go-round ng dumodobleng mga opisina sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments