Palasyo, nilinaw na hindi inendorso ni Pangulong Duterte si SP Sotto III sa SONA kahapon

Nilinaw ng Palasyo na hindi ineendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate President Tito Sotto III bilang vice president sa 2022 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng binibiro lamang ng pangulo si Sotto lalo na’t siya ang sumalubong kay Pangulong Duterte sa Kongreso.

Aniya, hinihikayat lamang din ng pangulo si Sotto na ituloy ang kaniyang plano sa pulitika sa susunod na taon.


Matatandaang una nang kinumpirma ni Sotto na tatakbo siyang vice president sa 2022 elections kung saan magsisilbing running mate niya si Senator Panfilo Lacson.

Facebook Comments