Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na malabong masingitan o mahaluan ng pekeng bakuna ang nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Dr. Oscar Gutierrez Jr., FDA Deputy Director General for Field Regulatory Operations, imposibleng masingitan ng pekeng bakuna ang programa ng pamahalaan dahil sa “whole of government approach.”
Habang ginagawa rin ng mga ahensiya ng gobyerno ang lahat upang matiyak na highly coordinated ang gobyerno mula sa procurement hanggang sa post monitoring o market surveillance.
Maging ang pag-observe sa mga pasyente ay mayroong deporting system at post vaccination.
Sa ngayon, ipinayo ni Gutierrez na para matiyak na hindi peke ang matatanggap na bakuna ay tanging sa mga DOH approved at recognized vaccination sites lamang magpabakuna.