Pagkain ng maingay sa harap ng mikropono – bagong pauso ng tinaguriang “unlikeliest star” ng Youtube

Amerika – Tinaguriang “unlikeliest star” ng Youtube ang isang babae matapos na humakot ng million views ang kanyang kakaibang mga eating video.

Wala namang ibang makikita sa video ni Spirit Payton kundi ang maingay na pagnguya niya ng mga pagkain.

Pero ang nakakatawa rito, ginagawa niya ito sa harap ng mikropono!


Sabi ni Spirit Payton, bahagi raw ng tinatawag na Autonomous Sensory Meridian Response o ASMR therapy session ang pagkain nang malakas.

Pero wala pa namang scientific evidence kung nakaalis nga talaga ito ng anxiety, depression o insomnia.

Facebook Comments