Pugante patay sa Datu Montawal

Patay sa pamamaril ang isang pugante ng North Cotabato District Jail pasado alas dose kaninang tanghali sa Datu Montawal Maguindanao.

Kinilala ni Datu Montawal Chief of Police,Chief Inspector Sabri Lakibul ang napaslang na si Guialil Mandigan Banog, sinasabing gun for hire at tauhan ng napaslang na si Kumander Derby.

Naglalakad si Banog sa Sitio Katitisan Brgy Tunggol ng bigla itong binaril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang kalibre.45 na pistola at M16 Armalite


Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments