Inirekomenda na rin ng Department of Health (DOH), ang pagkain ng mga alternatibo sa kanin, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bigas.
Ayon kay DOH Undersecretary Enrique Tayag, maaaring kainin ng publiko ang kamote, mais, at iba pang mga gulay dahil pwede rin naman itong mapagkuhaan ng calories bukod sa kanin.
Pero paglilinaw ni Tayag, may ginagawa rin namang hakbang ang pamahalaan para mapababa pa ang presyo ng bigas kaya’t walang dahilan para magkulang ang pinagkukuhaan ng nutrisyon lalo na sa calories.
Ito ang inihayag ni Tayag, sa gitna ng isinusulong na anim na taong programa ng DOH para sa food security at nutrition sa bansa hanggang sa taong 2028.
Facebook Comments