Bagong QCPD director, tinanggal muna sa pwesto ang anim na pulis na humawak sa road-rage incident sa QC

Inanunsyo ng bagong director ng Quezon City Police District (QCPD) na si PBGen. Redrico Maranan ang anim na pulis na humawak sa kaso ng road-rage incident noong August 8.

Sinabi ni Maranan na layon nito na magkaroon ng patas na imbestigasyon at makita kung may lapses sa paghawak sa insidente na kinasangkutan ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales at ng isang siklista.

Ang mga pulis na inalis muna sa pwesto ay mula sa Galas Police Station (PS 11) habang ang tatlong iba pa ay mula sa District Traffic Enforcement Unit (DTEU).


Nauna rito, inaakusahan ang naturang mga pulis na inimpluwensyahan ang siklista upang makipag-areglo kay Gonzales na nambatok at nanutok ng baril dito.

Facebook Comments