Pagkain ng saging para panlaban sa COVID-19, walang katotohan ayon sa DOH

Wala pang scientific basis na makapagpapatunay na mabisang panlaban sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang pagkain ng Saging.

Sa laging handa public press briefing sinabi ni Health Assistant Secretary Rosette Vergeire na mainam ang saging sa katawan pero hwag isipin ng mga tao na kapag kumain ng saging ay maliligtas na o hindi tatamaan ng COVID-19

Una na kasing kumalat ang isang video sa social media kung saan sinasabing ang saging ay gamot sa COVID-19 pero ayon narin sa mga eksperto kapag napasobra ang pagkain ng saging o higit 2 saging kada araw ay masama ito sa kalusugan lalo na sa mayruong kidney problems.


Kasunod nito muling ipinaliwanag ni Assistant Secretary Vergeire na wala pang gamot na panlunas sa COVID-19.

Maging ang Virgin Coconut Oil ay masusi pang pinag aaralan ng mga eksperto kung maaaring gawing lunas sa naturang sakit.

Ayon kay Vergeire nakipag ugnayan na ang isang local scientist sa isang Unibersidad sa Singapore para tuklasin ang bagay na ito.

Facebook Comments