Pagkain ng shellfish products sa katubigan ng Manila Bay, ligtas sa red tide toxin ayon sa BFAR

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas ang pagkain ng shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan na hinahango sa katubigan ng Metro Manila.

Batay sa Shellfish Bulletin No. 21 ng BFAR, lumitaw sa ginawa nilang pagsusuri na nananatiling ligtas sa red tide toxin ang katubigan ng Manila Bay.

Ginawa ng BFAR ang anunsyo matapos namang maglutangan ang ilang uri ng isda sa Manila Bay partikular sa Baseco area.


Nananatili namang positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish na nakuha mula sa katubigan ng Puerto Pincesa Bay, Milagros sa Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Tambobo Bay sa Negros Oriental, Daram Island, Zumarraga, Irong-irong at San Pedro Bay sa Western Samar, Balite Bay sa Davao Oriental; at Lianga Bay at Hinatuan sa Surigao del Sur.

Facebook Comments