Paniguradong mapaparalisa ang operasyon ng teroristang grupo na Islamic State o ISIS sa Pilipinas.
Ito ay kasunod nang pagkakadakip ng mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG), Sulu Police at militar kay Myrna Mabanza na sinasabing financier ng ISIS at tagasuporta rin ng Al-Qaeda.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr., malaking dagok ang pagkaka-aresto kay Mabanza dahil apektado nito ang cash flow ng mga teroristang grupo na ginagamit nila sa pagsasagawa ng terroristic attacks.
Matatandaang naaresto si Mabanza kaninang umaga matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa Brgy. Pasil, Indanan, Sulu.
Si Mabanza ay mayroong kinakaharap na 5 counts ng kasong paglabag sa RA 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.
Base sa report, January 2016 nang masangkot si Mabanza sa pag-transfer ng $107,000 sa noo’y ISIS-Philippines leader Isnilon Hapilon.
Biyuda rin si Mabanza ng isang Malaysian terrorist.
Idineklara rin itong Specially Designated Global Terrorist ng United States Defense kung saan kahanay nya si Abu Bakr Al Baghdadi na founder ng Islamic State in Iraq and the Levant at si late Daulah Islamiyah-Abu Sayyaf Group at Isnilon Hapilon.