Mga kongresista, sinabihan ni Speaker Romualdez na huwag nang patulan ang anumang ilalabas na pahayag ng mga senador

Pinayuhan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kongresista na ituloy-tuloy lang ang pagtatrabaho at huwag nang patulan ang anumang sasabihin ng mga senador.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin, sinabi to ni Romualdez sa kanila kasunod ng kasundun nila ni Senate President Juan Miguel Zubiri na itigil na ang “word war” o bangayan kaugnay sa isyu ng People’s Initiative para Charter change.

Gayunpaman, sinabi ni Garin na may mga mambabatas ang nagsabing sasagot pa rin sila sa mga nakakasakit na patutsada o paratang ng ilang senador.


Diin ni Garin, nirerespeto nila ang Senado pero kailangan nilang tumayo at pumalag kung tinitira ang mga magagandang proyekto tulad ng “Ayuda Kita sa Kapos Program” (AKAP) na pantulong sa mga taong kinakapos ang kita.

Facebook Comments