Pagkaka-dismiss ni dating PNP Chief Alan Purisima, pinagtibay ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Pinagtibay na ng Court of Appeals ang tuluyang pagkaka-dismiss sa gobyerno ni dating Philippine National Police Chief Alan Purisima.

Batay sa 37 pahinang desisyon na inilabas ng special 16th division, sa pamamagitian ni Associate Justice Ramon Cruz – ibinasura ng appellate court ang petition for review ng dating PNP Chief.

Si Purisima ay sinibak sa puwesto dahil sa umano’y maanomalyang deal sa private courier service firm na Werfast Documentary Agency.


Nakitaan ng anti-graft body si Purisima at maraming iba pa na guilty sa kasong grave abuse of authority, grave misconduct, at serious dishonesty.

Ayon sa Ombudsman, pumasok ang PNP at Werfast sa isang deal para sa courier delivery system para sa renewal ng mga baril at lisensya nang walang maayos na procurement, accreditation at qualification process.

DZXL558

Facebook Comments