Pagkaka-injured ni Kawhi Leonard – malaking kawalan sa San Antonio Spurs

177

NBA – Aminado ang San Antonio Spurs na malaking kawalan sa kanilang koponan ang pagkaka-injured ng isa sa kanilang star player na si Kawhi Leonard.

Nabatid na nagkaroon ng ankle injury si Leonard na may natitirang pitong minuto ng third quarter kung saan lamang ang Spurs ng 26 points.


Dahil sa kawalan ni Leonard ay sinamantala ito ng Golden State Warriors ang pagkakataon kung saan tinalo nila ang Spurs sa score na 113-111.

Tiniyak naman ng Spurs na babawi sila sa second game kahit na sa homecourt pa rin ng Warriors isasagawa ang laro.

Facebook Comments