Pagkakaaresto kay P/Supt. Nobleza, nagpapakita ng kahalagahan sa pagmamatyag ng ating mga kababayan

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang pagkakaaresto sa isang Police Colonel na sinasabing konektado sa teroristang grupong Abu-Sayyaf.

Matatandaan naaresto si Police Superintendent Maria Cristina Nobleza ng PNP kung saan sinasabing sumusuporta sa ASG na ngayon ay nasa pangangalaga ng Bohol PNP.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mismong si PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa ang mangunguna sa sa paglipat kay Nobleza sa Camp Crame mula sa Bohol.


Binigyang diin din ni Abella na ang pagkakaaresto kay Nobleza ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mapagmatyag o vigilante ng ating mga kababayan kasabay na rin ng kampanya para sa kapayapaan sa bansa.

Sinabi din ni Abella na muling inatasan ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines at PNP na ipagpatuloy at palakasin pa ang pagtugis sa ASG upang mawakasan na ang maghahasik ng mga ito ng lagim.
DZXL558

Facebook Comments