Pagkakaaresto sa mag-asawang Syrian na umanoy miyembro ng ISIS sa Taguig City, hindi dapat ikaalarma ng publiko ayon sa AFP

Manila, Philippines – Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines na mas mahalaga sa ngayon ay nanatiling handa ang military sa banta ng terorismo.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa mag-asawang Syrian na hinihinalang bomb expert at miyembro ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria sa Taguig City at posibleng magdulot ng alarma sa publiko.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi kwestyon ngayon kung may banta o wala ng terorismo sa bansa ang mahalaga ay agad silang nakakagawa ng paraan o napipigilan ang mga planong terrorist activities sa bansa.


Kumpyansa aniya ang AFP na kaya nilang protektahan ang mamamayan o ang buong bansa laban sa terorismo kung kayat wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko.

Ipinauubaya naman ni Padilla sa Department of Justice ang pagbibigay ng detalye sa pagkatao ng dalawang Syrian.
Nation”

Facebook Comments