Tinawag na iligal at walang pahintulot ng ilang miyembro Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pagkakahalal ng mga bagong opisyal sa kanilang partido.
Ayon kay Jovel Lopez, lider ng isang komunidad ng PDP-Laban sa Bulacan at party cadre simula 1982, nakakapagtaka kung bakit marami ang nagsulputang mga politiko na miyembro sila ng PDP-Laban at silang mga orihinal na miyembro ay naitsapwera.
Pagtitiyak naman ni Cagayan de Oro City Council President Marlo Tabac na buo pa rin ang suportang ibibigay ng mayorya ng miyembro ng PDP-Laban kay Senator Manny Pacquio sa kabila ng pagkakatanggal dito bilang pangulo.
Sa ngayon, pagtitiyak ni PDP-Laban founding member Executive Vice-Chairman Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na sa kabila ng pagkakahalal kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang pangulo ay mananatili pa rin ang pamumuno sa partido at hindi kikilalanin ang partidong itatatag ng kalihim.
Hangga’t kasi aniya nandiyan ang PDP-Laban leadership ay ipaglalaban pa rin ang boses ng mga chapter members sa buong bansa.
Si Pacquiao ay naihalal na pangulo ng PDP-Laban noong December 2020 kasama si dating Speaker Lord Allan Velasco bilang PDP-Laban Executive Vice President.
Habang una na ring naghain si Pacquaio at iba pang kaalyado nito ng isang resolusyon para tanggalin sina Cusi, PDP-Laban Deputy Secretary General Melvin Matibag at PDP-Laban membership committee head Astra Naik dahil sa ilang paglabag.