Dapat maresolba agad ng Commission on Elections ang pagkakahati ngayon ng PDP-Laban sa dalawang paksyon.
Ito ang iginiit ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal lalo na’t nalalapit na ang paghahain ng Certificates of Candidacy.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Larrazabal na posible kasing maghain ang paksyon ni Senator Koko Pimentel at Energy Secretary Alfonso Cusi ng sarili nilang lineup ng mga kandidato para sa 2022 elections.
Kasunod nito, sinabi ni Larrazabal na mauuwi lamang sa pagiging independent candidates ang mga kandidato ng hindi papanigan at kikilalain ng COMELEC na opisyal na lineup ng PDP-Laban.
Magsisimula ang filing ng COCs para sa national position sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.
Facebook Comments