Manila, Philippines – Ibinida ng Pamahalaan na malaki ang naitutulong ng mga karatig bansa sa paglaban sa terorismo.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng pagkakaaresto ng Indonesian Government sa isang recruiter at fund raiser ng ISIS na nagpapadala umano ng tao sa Marawi City.
Sa Mindanao Hour sa Malacanang ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na ang pagkakahuli ng Indonesian Government sa ISIS Recruiter ay magpapatibay lamang ng kanilang impormasyon na mayroong foreign fighters sa Marawi City.
Malaki din aniya ang maitutulong nito sa documentation upang maipagkabit-kabit nila ang mga impormasyong nakukuha nila upang malaman kung paano nakapasok sa bansa ang mga foreign fighters at kung paano napapalakas ang puwersa ng Maute sa Marwai City.
Matatandaan na nagtutulongtulong ang Pilipinas, Malaysia at Indonesisa para labanan ang terorismo sa rehiyon.
Pagkakahuli ng Indonesia sa isang ISIS recruiter, malaking tulong sa AFP
Facebook Comments