Pagkakaibigan, nangibabaw sa pagkakaayos ng mag-ex na sina Julia Barretto at Joshua Garcia

73

“We really chose to save the friendship.”

Ito ang pahayag ng aktres na si Julia Barretto matapos silang magkaayos ng ex-boyfriend na si Joshua Garcia.


Kasunod na rin ito ng desisyon ng dalawa na i-follow na muli ang isa’t-isa sa Twitter at Instagram matapos ang kanilang break-up noong nakaraang taon.

Say ni Julia, bigo man sila sa pagiging magkasintahan, hindi nila hinayaang tuluyang masira ang kanilang pagkakaibigan.

Aniya, grateful silang dalawa ni Joshua dahil pina-mature na sila ng panahon.

Una nang itinuturo na si Gerald Anderson ang dahilan ng pagbreak-up nila Julia at Joshua pero, itinanggi ito ng dalaga.




Facebook Comments