Nanawagan si Manila Mayor Elect Honey Lacuna-Pangan sa lahat ng ng mga lumahok sa halalan ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Ayon kay Lacuna, ito’y upang maging maayos, epektibo, maunlad at matiwasay na ang buhay ng bawat pamilyang Manileño.
Bukod dito, nagpapasalamat si Lacuna sa tiwala, suporta at pagmamahal na ipinakita ng mga Batang Maynila sa bagong mandato na ibinigay sa kaniya bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod.
Hangad ng bagong halal na alkalde na magsama-sama at magtutulong-tulong sa patuloy na paghahatid ng serbisyo at benepisyo diretso sa tao.
Matatandaan na ilang ulit na naantala ang proklamasyon ni Lacuna kung saan nanalo siya matapos makakuha ng higit 500,000 na boto o 63% ng kabuuang bilag ng mga boto.
Kasabay ng proklamasyon ni Lacuna ay ang proklamasyon din ng kanyang ka tandem na si Yul Servo na nanalong vice mayor ng lungsod.
Ang pagkakapanalo ni Lacuna ay isang kasaysayan dahil sa 450 taon ng Maynila, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong babaeng alkalde ang lungsod.