PAGKAKAISA | BJMP, idinaan sa pagpidal ng bisikleta ang pagtulong sa mga street children at anak ng mga preso

Manila, Philippines – Umaasa ang Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) na makalikom ng pondo para tulungan ang mga street children at anak ng mga preso sa Metro Manila.

Pinasimulan na kaninang umaga ng BJMP ang taon taon na nilang ginagawa na duathlon relay, run-bike-run for a cause program sa Sitio Wawa Barangay San Rafael Rodriguez Rizal.

Ayon kay BJMP NCR Regional Director Chief Superintendent Dennis Rocamora, alinsunod ito sa pagdiriwang ng ika-7 taon ng Community Relations Service (CRS) ng BJMP-NCR ngayong buwan ng Hunyo.


Sinabi naman ni BJMP CRS-NCR Chief Jail Chief Inspector Wena Fe Dalagan, malaking bahagi ng malilikom na pondo ay mapupunta sa Home of Joy for Sick Children na nasa Tayuman Manila.

Ang Home of Joy for Sick Children ay isang charity home para sa mga kabataang palaboy na wala nang matirhan.

Iba pa dito ang feeding on wheels program na paiiikutin naman sa QC sa susunod na linggo para pakainin ang mga street children at pamamahagi ng school supplies sa mga batang anak ng informal settlers.

Facebook Comments