Aklan – Sa ika dalawamput tatlong araw ng rehabilitation efforts sa Boracay Island, pinuri ni Environment Secretary Roy Cimatu ang kooperasyon ng dalawang water facilities sa isla.
Ang Boracay Island Water Company at Boracay Tubi System Incorporated ay responsable sa sewerage handling ng mga residential at commercial establishments sa lugar.
Direkta umano itong naitatapon sa dagat bagay mapanganib sa marine life at sa mga tao na recreational activities sa lugar.
Ayon kay Cimatu, pumayag na ang dalawang water facilities na ma-divert at kumonekta na sa BIWC balabag at Manoc-Manoc sewerage treatment.
Nagbigay din ng commitment ang mga ito na magsagawa ng paglilinis o clean-up sa mga lugar na dadaanan ng drainage system.
Facebook Comments