Pagkakaisa laban sa naghahasik ng karahasan, dasal ni Senator Poe ngayong Eidl Fitr

139

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Grace Poe na ang ipinagdiriwang ngayong Eidl Fitr ay maging simbolo na ating nagkakaisang pagsisikap na makamit ang kapayapaan at magkaroon ng tunay na ugnayan sa bawat isa.
Ayon kay Senator Poe, sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City ay sinusubukan ngayon ang ating pagkakaisa.
Libu libong pamilya na aniya ang nawalan ng tahanan at nagtitiis sa mga evacuation centers.
Kaya panawagan ng senadora, ay sama-sama tayong manindigan laban sa anumang pwersa na naghahasik ng takot at karahasan sa bansa.

Sa kabila nito ay buo ang tiwala ni Senator Poe na ipagkakaloob ni Alah ang gabay, pagmamahalan at kapayapaan para sa ating bansa.

Si Senator Win Gatchalian naman ay umaasa na ang Eidl Fitr ay maghahatid ng kaligayahan at swerte pa rin sa ating lahat.


Facebook Comments