Ilang mga kamag-anak ni Omar Maute, nagpahayag ng suporta sa Pambansang Pulisya

Manila, Philippines – Tiniyak ni EPD District Director Chief Supt. Romulo Sapitula na ilang mga kamag-anak ni Omar Maute isa sa mga lider ng Maute Terrorist Group ang nagpahayag ng suporta sa Pambansang Pulisya.
Ayon kay Sapitula, pinulong niya ang lahat ng mga lider ng muslim group sa area ng EPD at ilan sa mga kamag-anak ni Omar Mautem isa sa mga lider ng errorist groupm ang nangako na hindi nila susuportahan ang kanilang mga kaanak na naghasik ng kaguluhan sa Marawi City.

Matatandaan na nangangamba ang publiko na baka magpahayag ng suporta ang mga kamag-anak ng Maute Terrorist Group na nasa Metro Manila.
Una rito nagbanta si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na sinumang mga sympathizers o magpahayag ng suporta sa Maute Group ay mayroong kaakibat na parusa at mananagot sa batas.

Facebook Comments