PAGKAKAISA | Maynilad, muling nagsagawa ng taunang tree planting activity

Malabon City – Muling nagsagawa ng taunang tree planting activity ang Maynilad sa bahagi ng Barangay Dampalit, Malabon City.

Ang Plant for Life- Malabon Tree Growing Project ay nilahukan ng mga empleyado DZXL-RMN Manila, iFM manila at RMN foundations.

Tinatayang aabot sa limang libong punla ng bakawan ang naitanim sa ilog ng Dampalit kung saan malaking tulong ito sa pagpaparami ng isda at pagpapanatili sa kalinisan ng ilog.


Maaga pa lang ay nagsimula na ang lahat para sa pagtatanim at ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ng Malabon at mga residente nito ang nasabing proyekto.

Facebook Comments