TUTUPARIN | Pangulong Duterte, nangako ng tulong sa mga Lumad sa isang kondisyon

108

Manila, Philippines – Libu-libong mga traktora at mga pananim ang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Lumad sa Mindanao.

Ang pangakong ito ay binitawan ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa 16th founding anniversary ng supreme tribal council for peace and development na ginawa sa Davao City.

Matatandaang noong Pebrero ay nangako rin si Pangulong Duterte na maglalan siya 100 milyong pisong budget para sa agricultural development ng mga ancestral land ng mga katutubo.

Kapalit ng mga ito, isa lang ang hiling ni Pangulong Duterte sa mga Lumad, huwag suportahan ang New People’s Army (NPA) sa kanilang lugar.

Facebook Comments