PAGKAKAISA | Mga bansang ASEAN, handang tumulong sa PH

Nakahandang tumulong sa Pilipinas ang mga ASEAN Countries kung magiging malaki ang pinsalang idudulot ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Ito ang sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, kasabay ng pahayag na hindi magdadalawang isip ang pamahalaan na humingi ng international assistance kung hindi kakayanin ng pamahalaan ang pagresponde sa mga maapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Jalad, mayroong nilagdaang kasunduan ang Pangulong Duterte kasama ang mga iba pang leaders ng ASEAN na “One ASEAN, One Response”.


Nakapaloob aniya sa kasunduang ito na magtutulungan ang mga bansang ASEAN, sa pagtugon sa mga kalamidad.

Katunayan aniya, ngayon palang ay nagpahayag na ng kahandaan ang ASEAN Humanitarian Assistance na pagkalooban ng tulong ang Pilipinas kung kakailanganin.

Una nang inihayag ni Jalad na handang-handa na ang pamahalaan sa bagyong Ompong at umaasa siyang makakamit ang target nilang zero casualty.

Facebook Comments