Mula sa mensaheng ibinahagi ni Sen. Bong Revilla Jr., sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, nanawagan siya sa pagkakaisang pagkilos para sa kasaganahan at kapayapaan ng kalayaan.
Aniya, mahalaga ang pagsasanib pwersa at ang patuloy na pagbibigay ng proteksiyon upang ipaglaban ang ating soberaniya.
Si Sen. Revilla ang siyang panauhing pandangal para sa kasalukuyang taong paggunita ng kalayaan sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.
Pinangunahan niya ang pag-aalay ng bulaklak sa libingan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo at ang pagtataas sa watawat ng Pilipinas sa tanyag na balkonahe ng dambana.
Kabilang din sa mga nakiisa ay sina si Cavite Gov. Juanito Remulla; ang Cavite 1s District Representative at anak ng sendador na si Ramon Jolo Revilla III, at ang apo ng dating pangulong Hen. Emilio Aguinaldo at Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo.
Mula nga rin sa maikling pananalita ni Sen. Revilla ay ipinabatid niya ang kabayanihang ipinamalas ng mga ninuno sa bansa na naging dahilan ng kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng mga mananakop.