Natukoy na ang pagkakakilanlan ng anim na kataong sakay ng nawawalang eroplano sa Isabela.
Sakay ng Cessna RPC 1174 ang pilotong si Captain Eleazar Mark Joven at mga pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra at Josefa Perla España.
Bago ito, alas 3:17 ng hapon nitong Martes nang makatanggap ng ulat ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi dumating sa Maconacon Airport ang eroplano matapos na umalis sa Cauayan Airport dakong alas-12:15.
Inaasahan sana itong lalapag sa Maconacon ng alas 2:45 ng hapon.
Ayon naman sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, bagama’t maaliwalas ang panahon nang umalis ang Cessna plane sa Cauayan Airport ay may natanggap silang impormasyon na medyo malakas o ‘turbulent’ ang hangin sa tapat ng Sierra Madre.
Nagpapatuloy pa ang search and rescue operations ng mga awtoridad.