Tinawag na “fictitious person” o hindi makatotohanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakilanlan ng tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Mar Valbuena.
Ito’y matapos ibalita kahapon ni Valbuena ang pagkakasawi ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon at walong iba pa sa kamay ng militar kung saan tinorture o pinahirapan pa umano ang mga ito noong Agosto, 2022.
Sa isang pahayag, kinuwestyon ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar ang pagkakilanlan ni Marco Valbuena.
Aniya, isang digital person lamang si Valbuena na nagpapadala ng press release.
Gayunman, ang pagkamatay ng mag-asawang Tiamzon maging ng kanilang Chairman Emeritus na si Jose Maria Sison noong December 2022 ay nangangahulugan lamang ng unti-unti nang pagbagsak at pagkatalo ng komunistang grupo.