Pagkakakumpiska ng granada sa isang pasahero ng MRT – hindi babalewalain ng DOTr

Manila, Philippines – Hindi mamaliitin ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakasabat sa granada mula sa isang pasahero ng MRT-3, Sabado ng gabi.

Sa inilabas na pahayag ng DOTr, binigyang-diin ng ahensya na seseryosohin nila ang usapin.

Kasabay nito, umapela ang DOTr ng mahabang pasensya at kooperasyon sa mga pasahero kaugnay ng mga paghihigpit sa ipinatutupad na security measure sa mga istasyon ng MRT.


Dapat aniyang maunawaan na ginagawa lang nila ito para proteksyunan ang kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero.

Hinikayat din nito ang publiko na laging maging mapagmatiyag sa paligid at agad na isumbong sa kanila ang anumang kahina-hinalang bagay, tao o kilos.

Samantala, kinasuhan na ang suspek na si Christian Guzman ng paglabag sa R.A. 9516 o illegal possession of ammunition and explosives.

Nakatakda siyang isailalim sa inquest proceedings sa Quezon City prosecutor’s office.

Facebook Comments