Mariing tinutulan ni Senator Leila de Lima ang pag-adopt ng Senado sa House Concurrent Resolution Number 13 na nagkakaloob ng amnestiya kay Moro National Liberation Front (MNLF) Leader Nur Misuari at mga kasamahan nito na sangkot sa Zamboanga seige noong 2013.
Giit ni De Lima, hindi applicable kay Misuari at kaniyang mga kasamahan ang prinsipyo ng amnestiya dahil sa kanilang notorious na reputasyon ng pagrerebelde.
Ayon kay De Lima, ang kanilang ginawang krimen ay may kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code and special penal laws.
Ikinalungkot ni De Lima na mas pinili ng gobyerno na isantabi ang criminal attacks ng mga kumubkob sa Zamboamga City.
Paalala ni De Lima, mahigit 100,000 kababayan natin ang nawalan ng tahanan at naapektuhan dahil sa pag-okupa ng MNLF sa maraming barangay at maraming sibilyan ang napatay bukod pa sa mga napatay na mga pulis at sundalo.
Diin ni De Lima, ang pagkakaloob ng amnestiya ay hindi dapat ibigay sa sinumang na lumalabag sa mga kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan at nagsasagawa ng marahas na rebelyon at terrorist attacks.