Senador na umano’y nasa likod ng pag-delay ng paglabas sa desisyon ukol sa disqualification case ni BBM, dapat pangalanan

Dapat pangalanan ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon ang sinasabi nitong senador na posibleng nasa likod ng pagkaantala sa pagpapalabas ng desisyon ukol sa disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang giit nina Senate President Tito Sotto III at Senator Ronald Bato dela Rosa kay Guanzon.

Paliwanag ni Sotto, dapat ihayag ni Guanzon ang pangalan ng tinutukoy niya upang hindi mapagbintangan ang lahat ng senador.


Ayon kay Sotto, kung masusuportahan ng pruweba ang alegasyon ni Guanzon ay agad niya itong papaimbestigahan sa Senate Committee on Ethics.

Diin naman ni Senator Dela Rosa, maiging sabihin na ni Guanzon kung sinong senador ang tinutukoy niya at ilahad ang ebidensya para maging maliwanag sa lahat.

Facebook Comments