Pagkakapantay-pantay ng lahat ng Manileño, sinisiguro ni Mayor Honey Lacuna-Pangan

Matapos manumpa bilang ika-23 at kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila, sinisiguro ni Mayor Honey Lacuna- Pangan na magkakaroon ng pagkakapantay-pantay na serbisyo ang lahat ng Manileño.

Sa pahayag ni Mayor Lacuna, asahan ng lahat ng residente ng lungsod ng Maynila ang malinis at maayos na gobyerno na mararamdaman ng bawat isa.

Aniya, muling ipagpapatuloy at palalakasin pa ang mga proyekto at programa na nauna ng sinimulan ni dating Mayor Isko Moreno.


Nangako si Mayor Honey na ibibigay niya sa lahat ng mga residente ng Maynila ang nararapat na serbisyo para sa mga ito.

Sinabi din niya na ang mga senior citizens, solo parents, persons with disability at university students ay patuloy na tatanggap ng financial assistance sa ilalim ng social amelioration program ng lungsod.

Sa huli, pinasalamatan ni Mayor Honey si Yorme dahil itinuring siya nito bilang partner sa pamamalakad sa buong lungsod gayundin sa suporta na ibinigay ng dating alkalde.

Facebook Comments