Pagkakapasa ng 2019 budget sa 3rd reading ng Senado, isang senyales na kinikilala ng mga mambabatas ang kahalagahan nito

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pagpasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed 2019 national budget.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ngayong nakapasa na sa 3rd reading ang budget ay talagang seryoso na ang mga mambabatas na ipasa sa lalong madaling panahon ang 2019 budget sa bicameral conference committee deliberations.

Sinabi pa ni Panelo na sa oras na maipasa ang General Appropriations Bill ay masisimulan na ang implementasyon ng mga bagong proyekto ng 2019 at magiging daan patungo sa mas magandang economic performance ng bansa.


Matatandaan na kagabi ay pinaspasan ng Senado ang pagpasa sa 3rd reading ng national budget at idadaan na lang ito sa Bicameral conference bago ipasa sa Malacañang para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments