Pagkakapasa ng mandatory ROTC program sa mga grades 11 at 12 students, pabor sa DND at AFP

Isang magandang development para sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapasa sa Kamara ng panukalang mandatory Reserve Officers Training Corps o ROTC program para sa mga grade 11 at 12 students o House Bill 8961.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, makakatulong ang ROTC program sa mga grade 11 at 12 dahil itinuturo dito ang pagmamahal sa bayan, maging responsableng indibidwal at matutunan ang pagrespesto sa karapatang pantao.

Umaasa ang kalihim na maging sa Senado ay maipapasa rin panukalang batas hanggang sa tuluyan nang maging batas.


Tiniyak naman ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na mananatili ang adbokasiya ng AFP para sa pagbibigay ng military training program bilang bahagi ng curriculum sa eskwelahan upang sa ganun mahubog ang mga kabataan sa pagiging makabayan.

Naniniwala si Arevalo na kinakailaangan ng mga kabataan  ang mamulat sa basic military training dahil malaki aniya ang maitutulong nito sakaling maging future leaders sa bansa.

Facebook Comments