Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakapasa ng resolusyon na inihain ng Pilipinas na kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa pagresolba ng mga dispute sa mapayapang paraan.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, maituturing na mahalagang ambag ng Pilipinas ang resolusyon sa pagpapatupad ng rule of law at pagpapanatili ng international order na sumasalamin sa commitment nito sa mapayapang pag-aayos ng mga dispute.
Nagpapasalamat din ang Pilipinas sa 122 na mga bansa na co-sponsors ng nasabing resolusyon.
Kabilang dito ang Australia, Egypt, Guatemala, Hungary, at Thailand na miyembro ng core group.
Ang nasabing UN General Assembly (UNGA) resolution ay naghihikayat sa mga member states na kunin ang serbisyo ng PCA na tumutugon sa misyon ng United Nations (UN) na itaguyod ang international peace at paghubog sa international law.