Mga nasaktan dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa 140

Mula sa mahigit 50, umabot na ngayon sa 140 ang bilang ng mga napaulat na nasaktan sa pananalasa ng Bagyong Egay at habagat.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ngayong araw, August 3, kung saan 127 ang kumpirmado habang ang nalalabing bilang ay bineberepika pa.

Galing ito sa mga sumusunod na rehiyon:
• Region 1
• Region 2
• CALABARZON
• Region 6
• Region11
• Cordillera Administrative Region (CAR)


Samantala, nananatili naman sa 27 ang napaulat na nasawi at 13 ang mga napaulat na nawawala.

Facebook Comments