Pagkakapatay ng militar sa leader at sub leader ng Daula Islamiyah, malaking tagumpay laban sa terorismo – WESTMINCOM

Itinuturing na tagumpay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) – Western Command ang pagkaka-neutralisa ng tropa ng pamahalaan kina Abu Zacaria, leader ng Daula Islamiyah at leader din ng ISIS Southeast Asia at Isis East Asia maging sa kanilang sub leader na si Joharie Sandap alyas Mursid.

Ayon kay AFP Western Command Commander Lt. Gen. Roy Galido ang engkwentro ay resulta ng pinagsanib na law enforcement operations ng AFP, Philippine National Police (PNP) at intelligence community.

Nangangahulugan lamang ito ng determinasyon ng pamahalaan na wakasan ang Islamic radicalism na isinusulong ng ISIS sa bansa, at babala sa lahat ng mga radikal na hindi sila tatantanan ng pamahalaan.


Naniniwala din si Galido na pilay na ang operasyon at mahina na ang mga nalalabing myembro ng teroristang grupo sapagkat patay na ang kanilang leader at sub leader at wala narin silang pagtataguan pa dahil sa pinaigting na military operations.

Facebook Comments