Pagkakapatay sa ISIS East Asia spokesperson ng military, malaking dagok sa teroristang grupo

Isang malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkakapatay ng militar sa Maguindanao sa ISIS- East Asia spokesperson at financial officer na si Abdulfatah Omar Alimuden, o mas kilala sa tawag na si Abu Huzaifah.

Ayon kay Western Mindanao Command (WesMinCom) Spokesperson Major Andrew Linao, matagal nang mino-monitor ng intelligence community ang galaw ng nasabing terorista lalo at may direkta itong koneksyon sa international terrorist group ng ISIS.

Nilinaw rin ni Major Linao na hindi banyaga ang napatay na terorista kundi isang Pinoy.


Napatay si Abu Huzaifa sa ikinasang operasyon ng Joint Task Force Central ng WesMinCom kahapon ng hapon.

Utos naman ni WesMinCom Chief Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., sa mga tropa na lalo pang paigtingin ang kanilang operasyon sa lugar.

Facebook Comments