Pangulong Duterte, dadalo sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte – Carpio

85

Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Sa ngayon, wala pa nga lamang coordination meeting hinggil dito pero kapag naayos na ang schedule ay agad itong isasapubliko.

Nabatid na sa June 19, ang oathtaking ceremony ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City.


Samantala, inaasahan ding dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Philippine Independence Day sa June 12.

Sa paunang impormasyon mula sa Malacañang, pangungunahan ng pangulo ang selebrasyon ng araw ng Kalayaan sa Luneta.

Facebook Comments