MANILA – Iginiit ni Senator Panfilo Lacson na hindi lamang isolated case ang “tokhang for ransom” sa Koreanong si Jee Ick Joo.Sinabi ni Lacson na inilapit sa kanya ng grupong Restoration of Peace and Order ang labing dalawang (12) kaso ng mga hinuli dahil sa umanoy ilIgal na droga at kinikikilan ng mga pulis bago pakawakan.Ipinanood din ni Lacson ang kuha ng CCTV sa pagtatanim ng ibedensya ng mga pulis noong Oktubre, bago isinagawa ang pagsalakay.Pero, hindi na nagbigay ng detalye ang senador, dahil ayaw magreklamo ng mga biktima.Umalma naman si Ken Chua ng Restoration of Peace and Order sa pagkakasangkot ng mga pulis sa tokhang for ransom, kaya nawawalan ng tiwala ang publiko.Nanindigan si PNP Chief Ronald Dela Rosa, na isolated case lamang ang tokhang for ransom at papanagutin ang mga pulis na sangkot sa pagtatanim ng ebidensya.
Pagkakapatay Sa Koreanong Negosyanteng Si Jee Ick Joo, Hindi Isolated Case Ayon Kay Senator Lacson
Facebook Comments