Katanggap-tanggap para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakapatibay ng Supreme Court sa mga probisyon ng “Anti-Terrorism Act of 2020” sa kabila ng 37 na petitions laban dito.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nirerespeto nila ang ibinabang desisyon ng SC.
Aang mahalaga aniya sa ngayon ay idineklarang legal ang pangkabuuang batas.
Ayon pa sa kalihim, minimal lang ang epekto ng pag-strike down sa dalawang probisyon ng Anti Terror Law at sa ngayon ay naghahanda na sila sa pagpapatupad nito.
Makatitiyak aniya ang publiko na ang ATA ay para sa pagprotekta sa publiko laban sa terorismo.
Sa katunayan ani Año, ang pasiya ng mataas na korte ay tagumpay ng mga sumusunod sa batas at mga responsableng mamamayan ng bansa.
Facebook Comments